Sunday, 10 March 2019

"Problema at Solusyon Sa Aming Lugar

           Ano ba ang oserbasyon mo sa iyong barangay? Napapansin mo rin ba ang mga nagkalat na basura sa inyong lugar? Napapaisip ka ba kung saan ba ito nagmumula? Kung ano ang sagot sa aking pangalawang tanong kapansin-pansin din sa aming lugar ang mga nagkalat na basura. Kung alam mo ang sagot sa aking pangatlong tanong, ikaw? Sa sarili mo? May nararamdaman ka bang pangangamba sa maaring masamang epekto nito sa ating kapaligiran at sa ating inang kalikasan?
               Ang Panginoon ang lumikha sa lahat ng nakikita natin sa mundong ibabaw. Isa sa kaniyang nilikha ay ang ating kalikasan at tayo ay isa rin sa kaniyang nilikha, tayo bilang isang tao ay ginawa niyang instrumento upang mangalaga nito subalit ano ang nangyayari? Napapansin ko partikular na sa aming barangay na tila nakakalimot na sa responsabilidad na ibinigay ng Diyos, nakakalungkot isipin nang magandang nilikha nya para saatin ay unti-unti ng nasisira, ako ay nangangamba sa mga nagkalat at masangsang na amoy ng sandamak-mak na basura. Akoy nangangamba sa maaring maidulot nito hindi lamang sa aming kapaligiran kundi pati na rin sa aming kalusugan. Sanhiito ng basta- bastang pagtapon ng basura at maling paghiwalay ng mga ito. Sa patuloy na pangyayaring ito mas lumalala ang sitwasyon ng aming lugar. Kahit alam na ng iba ang posibling bunga nito, ngunit patuloy parin sila sa pagtapon ng basura at maling paghiwalay nito. Ang mga nagkalat na plastik, basag na bote, nabubulok na pagkain, mga lata at iba pa, ito ay ilan lamang sa nakapag-papabara sa aming kanal sa tuwing malakas ang ulan, itoy nag reresulta upang umapaw ang tubig napara bang naging batis na ginagawang lugar na laruan ng mga batang nag tatampisaw sa kanal na hindi alam kung ano ang pweding mangyari at pweding sakit na kanilang makukuha at magbunbunga ng pagkakasakit ng ilang bata sa amin.
                 Sa mga pangyayaing iyon sana'y magkaroon na ng disiplina sa sarili sa tamang pagtapon at paghiwalay ng mga ito dahil sa isang katiting na basura desgrasya ang sya nitong dala. Ating tatangdaan "may pera sa basura" maari itong magkaroon ng bagong buhay, ang pag reresiklo ay isang paraan upang maging kapaki-pakinabang ang mga patapong bagay at nakatulong pa tayo sa ating inang bayan. Kung ang iba ay hindi na mapapakinabangan maari tayong gumawa ng Compost pitt nang sa gayon ay may isa lamang na lugar na pag tatapunan ng basura at hindi kung saan-saan 
                   Pangalagaan national ang ating lugar o kapaligiran, simulan natin saating mga sarili ang pagbabago maging ehemplo ng barangay upang iba'y saatin gumaya. Kung hundi natin sisimulan ang pagbabo sa atin ngayon ay kailan pa!? Kung umabot sa puntong nay nagbuwis na ng buhay? Sanay huwag nating ito ay mangyari. Sana'y magkaroon ng disiplina ang bawat isa sa atin at sanay natututo tayo sa ating mga pag kakamali. Simulan na ngayon ang pagbabago ng sa gayon Ay maipasa pa natin ang kagandahan ng ating mundo sa susunod na henrasyon.
not this         but this
Isang pirasong basura piligro ang dala
Photo not owned
         AKO SA HINAHARAP

Tanong ko sa aking sarili,, ano kaya ako sa hinaharap?
             'Yan ay isa lamang sa katanungan ko sa aking sarili kapag ako'y nag iisa o kaya'y  kapag walang magawa. Alam nating lahat na ang pagbabago ay parte ng ating buhay, pagbabago na maaaring mangyari sa naganda o di kanais-nais na paraan. Walang ibang nakakaalam sa kahihinatnan natin sa hinaharap kundi ang ating PAnginoonna siyang lumikha sa atin, ngunit alam ko na sa ating mundong ibabaw ako lang naman ang maaaring makapagdikta king ano ang magiging kahihinatnan ko sa hinaharap, di ba? Maaring sa hinaharap aybisa na ako sa bilyonaryong mamamamayan ng ating bansa o di kaya'y mananatili ako sa kung ano man ang estado ko ngayon sa buhay.
         Ngayon, ako ay nasa ikalabin- dalawang baitang bilang isang mag-aaral ng Computer Systems Servicing at kamakailan lang  ay naipasa ko ang CSS NCII Assessment , ako rin ay tumatakbo  bilang " honorist" sa aming paarala. Ngunit sa kahirapan ng buhay , isa rin ako sa nangangarap na makapag-aral sa kolehiyo, hirap ang aking magulang sa oang araw araw naming gastusin. Isa lamang ang nagtatrabaho sa aming pamilya, kaya't sobrang kapos kami sa buhay, dagdag pa ang gastusin namin sa aming pag-aaral. Natatakot akong kaharapin ang mundo sa labas ng paaralan kapag natapos ko ang Senior High School, natatakot akosa kakaharapin kong pagsubok sa hinaharap
                  Kaya't ikaw na sarili ko sa hinaharap, alam mong mahirap ang buhay ngayon pagtibayin mo ang iyong pag-aaral, isa lamang ito sa makatutulong sa iyo upang maabot ang iyong pangarap. Kahit na pumapag-ibg ka ngayon, tandaan nyo parin na ang lalaki ay nandyan lang yan, pero ang oportunidad sa iyong paligid ay maaring mawala. Sana magtino ka at di  mapariwara sa buhay, sa hirap ng buhay na nararanasanng pamilya mo ngayon, sana'y pairalin mo ang iyong pagiging matiyaga nang sa gayon ay mairaos mo ang iyong pamilya sa hirap, di ba pangarap mo na maipatayo sila ng magandang bahay, yung hindi sila magtatrabaho para maghanap-buhay. Ikaw anh isa sa inaasahan ng pamilya mo para magtaguyod ng pamilya niyo. Sana hindi mo lang yung salita, dapat may aksyon kung gagawin para maisakatuparan iyon.
             Kapag natapos mo ang iyong pag-aaral at nagta-trabaho kana, magipon ka ng pera para sa plano mo sa iyong pamilya, hindi yung sarili mong pamilya ah! Hahaha ang ibig kong sabihin eh yung tatay mo, nanay mo at nga kapatid isama mo na rin yung mga pamangkin mo para damay-damay na. Kapag naisakatuparan  mo na ang pangarap mo sa pamilya mo gugulin muna ang iyong mga panahon sa pagka-dalaga mo, kung gusto mong libutin ang mundo, libutin mo basta't ika'y may pera hahaha dapat maglaan ka rin ng oras at panahon mo para sa iyong sarili, pero huwag naman subrang tagal naman ah baka maging matandang dalaga ka nyan, sige ka gusyo mo ba yun? Haha siguro hindi naman diba? Kapag dumating na yung tamang lalaki sa buhay mo ahmmm sana yung lalaking nagpapasaya at nagpapatibom ng puso mo ngayon, ay yun na rin ang makasama mo, sana siya ang tamang lalaki para sayo, sana gawin niyo na ring legal ang relasyon nyo, di tulad ng king natatakot ka lang sa maaring mangyari, kaya kapag dumatibg ang panahon na sa palagay mo pwede ka ng pumasok sa isang commitment ah, hindi ng legal na relasyon at yun nga, kahit pumasok kana sa isang commitment huwag mong kakalimutan ang sarili mo, alagaan at panatilihin ang magandang kalusugan at syempre mahalin  parin ang sarili. Ang pinaka-importante sa lahat, kahit nagkatagpo o hindi nagkatagpo ang mga inaasahan mo sa hinaharap palagi pa rin tumanaw sa dating pinanggalingan. huwag mong kakalimutan kung ano ang mga naging karanasan mula noon, ngayon at sa mga dadating pang pagsubok, kasi pagsubok lang yan nalagpasan nanatin ang iba nyan manhid na tayo sa pagsubok, kayang kaya natin lampasan at higitan pa ang mga ito kapag gusto natin itong pagtagumpayan at ito'y susu para sa gusto mong maabot sa buhay.
achieve what we are want💓
Photo not owned

"Para Sa Aking Mga Kasamahan"
              
              Sa mga naging parti ng buhay ko bilang estudyante, ang aking mga kaklase, kabarkada ang mga pinaka itinuturing sa kasamahan ko sa paaralan, sila  ang isa sa nagpasaya ng buhay ko bilang estudyante.
               Sa aking mga kaibigan at mga kaklase sa elementarya at hiayskul, ilang taon na ang nagdaan ng tayo'y naghiwa-hiwalay, siguro yung iba naman sa inyo naalala pa ko, sana naman oo, pero kung hindi na haha ako yung dugyutin nyong kaklase pero wag kayo, ako lang naman yung laging ine-elect bilang secretary sa Supreme Pulis Government (SPG) at sa clasroom natin, yan tuloy palahi nyo akong nakikita sa harap ng blackboard para magsulat, nakakasawa ng ngang rumampa sa harap ng board natin para magsulat eh, at kapag nagkamai  ako sa sinusulat ko sa board galitna galit kayo saakin, eh kesyo sinasabi nyo saakin na sayang yung page ng notebook nyo, yung nakakapagod na magsulat  at nabawasan ng tinta ng ballpen nyo , at ako rib yung kaklase nyong pinagpapawisan ang paa at kamay,, oh!? Naalala nyo na ba ako? Ni ayaw nyo ngang mahawakan ang kamay ko kasi nga pinapawisan. Naaalala nyo paba nung naglalaro tayo ng "chinesse garter", naglalaro ng "bakya", at "tagu-taguan" sa school natin, subrang saya n mga araw na iyon kay sarap balikan hayss sana naalala nyo pa ako, at  yung mga high school friends at classmate ko jan sana naman matapos sa junior high, nakakamiss na din yung mga tawanan natin. Sa mga kaklase at kaibigan ko nganyong senior high, hinding hindi ko makakalimutan ang mga karanasan na nakasama ko kayo sa aking pag aaral.
                 Sa aking mga kaibigan, lalo na ang "USMAKERS" Hahahaha.. Alam kung tayo ang pasimuno ng malalaswang topic hahaha... Di joke lang, pero sa totoo lang marami na tayong pinagsamahan, ang mga kasama ko sa kalokohan, kasama sa malalakas na tawanan at kapag nagkakagipitan sa isang sitwasyon ay magtuturuan kung sino ang may pasimuno.  Yung kapag nilabas na ang gusto ng lahat na si JOHNSON'S BABY POWDER ay nag aagawan, ang bagong biling pabangong na kunti nalang ang matitira, at kapag inilabas na ang pagkain ng isa ay umasa kang pagkain na yan ng lahat, ang pinagpasa-pasahanh suklay ng kaibigan mo at kapag naka-abot na sayo hindi mo na makikilala dahil kulay itim na iniwan ng kanya kanyang ulong gumamit hahaha, at kapag minsan naman ang aagot ng isa ay syang sagot na din ng lahat, at kanya-kanyang paraan para di-mahalatang nag-gayahan hahaha ganyan talaga pag buhay sa senior high hindi ka makisama ikaw ang kawawa. 
               Sa aking buong kaklase alam kong pagminsan ay hindi tayo nagkakaintindihan, hindi rin naging madali ang naging samahan natin sa loob ng paaralan, yung tipong nagsisilabasan na yung mga totoo nating ugali, yung tipong kahit may nagre-report sa harap ng blackboard, yung iba ay nagkukwentuhan, may nagtatawanan at yung iba naman nay may ibang pinagkaka-abalahan, yung tipong lahat naman tayo may mali pero nagsisisihan tayo. Yung tipong normal na'to sa atin bilang magkaka-klase, at kahit umabot tayo sa mga puntong ito. Nag papasalamat parin ako dahil naging parte kayo ng aking buha, may mga nagpapasalamat ako sa mga kaklase kong nakasagutan o naka-away ko rin, alam nyo nang dahil sa inyo tinuruan nyo akong magpatawad at tumanggap ng pagkakamali, na hindi sa lahat ng oras  ay tama ako at humihingi rin ako ng tawad sa mga kaibigan ko at kaklase kong napagbuhatan ko ng galit kapag  ako'y badtrip... Sorry ha... Alam nyo naman ang ugali ko diba? Alam ko naman na pagminsan lumalabas ang pagkamaldita ko, sorry sa mga napagsalitaan ko  nga masasama, sana bati-bati na tayo... Sana peace and love not war hahaha
                 Malapit na tayong magtapos sa SHS, mami-miss ko kayng lahat, sana paghihi-walay natin lahat magkaroon tayo ng magandang oportunidad at panibagong lakas para harapin ang ating sari-sariling kabanata sa buhay, at sa ating muling pagkikita ay may kanya-kanya na tayo matagumpay sa ating buhay💪🏼😇
Kaklase at kaibigan bilang pamilya💖💪🏼
Photo not owned 

Saturday, 9 March 2019

Ang Aking Paglalakbay sa Mundo ng Computer System Service

Ang Aking Paglalakbay sa Mundo ng
  "Computer System Service"

             Ano mga ba ang naging buhay ko sa CSS? Gusto nyo bang malaman  kung paani ako nag simula sa kursong ito? Hayaan nyo akong ikwento sa inyo ang aking paglalakbay sa Computer System Servicing.                 Noong ako'y nasa ika-9 baitang pa lamanh pinili ko na ang Home Economics para sa aking specialisation. Gustong-gusto ko talaga ang pagluluto, kagaya ng mga nakikita ko napapanood ko sa TV, yung mga chief na super astig at galing kagaya ni Chief Boy Logro. Naging inspirasyon ko ito upang mas piliin ang Home Economics, naging masaya ang karanasan ko sa pagluluto, kaya't ipapatuloy ko rin ito hanggang sa ako'y pumasok sa ika-10 na baitang. Ngunit nung aa dumating ang panahon na ako ay matatapos na sa Junior High School. Hindi ko pa talaga alam kung ano ang kukunin kong course sa SHS. Subrang undecided pa talaga nun, yung parang nag didicide na ako na ito pipiliin ko, tapos magbabag nanaman ang nasa isip ko. Aaminin ko na mga kaibigan ang nag influwensya  upang piliin ko ang CSS, yung parang nandito rin mga kaibigan ko kaya dito na rin ako at ang tanging nasa isip ko lang nun ay bahala na.                  Dumating ang araw ng pasukan, kung hindi nyo naitatanong late enrolee ako kaya may kontung adjustment na nangyayari. Dito na nagsisimula ang paglalakbay ko sa CSS. Ang Computer System Servicing, para sa katulad kong bigla na lang lumipat ng specialisation, subrang nakaka-kaba talaga, yung wala kang ka ide-ideya sa pinasukan ko. Yung feeling na kahit pagpindot sa keyboard eh, nagdadalawang isip ako kasi baka may mabura at may masira ako, kahit marunong ako mag basa yung takot akong sumaksak ng "power cord" sa outlet kasi baka makuryente ako, ni ultimong pag-patay mg UPS ay hindi ko alam. Noong una, nahirapan talaga ako dahil wala talaga akong alam sa pinasukan ko. Natatakot ako kapag nagdi-discuss nanaman ang aming guro ng panibagong lesson, di tulad ng iba kong kaklase na pamilyar na sa computer dahil ICT ang kinuha nila ng specialisation nung nasa Junior High pa sila, pamilyar sa saltang system unit, CPU, RAM at iba pa pannankonektado sa Computer, eh ako? Ang alam ko lang ay cooking utensils at equipment, another ang labon ko? Hindi basta-basta ang CSS students, ang goal namin ay maipasa ang CSS NC2  assessment, pag naririnig ko ang salitang "assessment" sobrang natatakot ako at kinakabahan. Nagpatuloy ang mga araw, linggo at buwan, napagtanto ko na ito na! Tatangapin ko na ang challenge na ito, napakaraming paraan para matuto ako, pero hindi ako nag iisa at nakakaramdam ng ganitong feelings, may mga kaklase din akong pinasok ang CSS na galing sa Agronomy, Drafting at katulad kong dating HE student.                 Sa ibang banda namin unti-unti ko nang natutunan ang mga tinuturo aa amin ng aming guro sa CSS. Ang parts ng computer, natutunan ko rin ang magtiyaga at mag-ingat sa bawat gagawin kapag magi-install ng OS                 Pero hindi naging madali ang kabanatang ito sa akin. Ang paglalakbay ko sa kursong uto ay laging may kaakibat na pagsubok. Sa bawat pre-assessment ay hindi mawawala ang luha na dulor ng hindi ko papasa. Ang sandamakmak na "RJ45" na naubos ko dahil sa pag-cabling yung tipong maiiyak na ako saa paggawa nito, ang pag-patch ng cable sa patch panel na subrang hirap at nagresulta upang masugatan ang daliri ko. Ang "unreachable" na results ng pag peer to peer at napapaisip ako kung saan ba ako nagkamali at ang interview na nag papakaba sa akin. Maging sa samahan naming makka-klase hindi maiiwasan ang hindi pagkaka intindan, ang pagiging makasarili ng iiba at umabot sa puntong kami ay nagaway-away at dahil sa aming mga kalokohan ay napapagalitan kami. Habang patuloy ang pag lalakbay ko sa CSS mas naging mahirap ang pinagdaanan namin sa bawat araw dahil papalapit na ang araw ng aming assessment. Sa simula pa lamang ng paglalakbay nararamdaman ko na ang subrang pressure, subrang stress. Ang subrang pagod para maisipan kung sumuko. Ang hindi matapos-tapos na "Pre-assessment" at Hindi matapos-tapos na praktis sa bawat COC's                 Ngunit sa pagsubok na ito, ako'y nagpatuloy sa laban na ito, pinairal ko ang aking disiplina, pagiging matiyaga, pagpapakita ng magandang asal at ang importante sa lahat ang tiwala ko sa aking sarili na kaya kong maipasa ang CSS NC2 assessments                 Ngayon, nagtagumpay ako sa hamon bilang isang CSS
student. Dalawang linggo pa lang ang nakakaraan ng maipasa ko ang CSS NC2 assessment. Lahat ng naipong pressure at subrang pagod ay nauwi sa hindi maipaliwanag na kaligayahan, at kahit nakapasa na ako hindi ko hahayaang umiral sa akin ang pagiging mayabang, stay hamble parin dapat.                   Naalala ko pa ang sinabing aming guro," kahit nakapasa na, huwag hahayaan lumaki ang ulo kundi ipapatuloy ang pag-aaral, matuto at palawakin ang laalaman sa larangan ng ICT. Hindi ko makakalimutan angkaranasang ito, kaya't sa mga nagbabalak na pasukin ang mundo ng COMPUTER SYSTEM SERVICING, ipapatuloy mo yan! Masaya ang paglalakbay na ito.                  
Mahirap pero kakayanin💪🏼💓😊
Photos from google

"Problema at Solusyon Sa Aming Lugar            Ano ba ang oserbasyon mo sa iyong barangay? Napapansin mo rin ba ang mga nagkalat ...