Ang Buhay ko sa Senior High
Lumipas ang aking apat na taon bilang isang estudyante sa Junior High, napakabilisng panahon ngunit tandang-tanda ko pa ang mga karanasan na hindo ko makakalimutansa kabanatang ito. Dito ko naranasan ang gumawa ng sandamakmak na assignment at projects. Naranasan sumayaw para sa minimithing mataas na gradessa PE, nakaranas mag puyat dahil may oral recitation kinabukasan, syempre dito ko rin naranasan ang magkaroon ng "crushmate", mainlove at magka boyfriend. Mag kahalong kasiyahan, kalungkutan, kalokohan, katripan nagtapos ang buhay ko sa Junior High.
At yuh nga, may bagong kabanata sa akinh buhay. Ang dalawang taon ko sa Senior High School. Gusto mo bang malaman ang kwento ng buhay ko sa Senior High?
Tara!? Simulan na natin, ganito kasi yun wala akong kaide-ideya kung saan gusto kong pumasok at anong course ang kukunin ko sa SHS, aaminin ko na friends influence ang dahilan kung saan mas pinili kong pumasok. Sa totoo lang, late inroles ako, subrang undecided pa talaga ako nun kung saan ko talaga gustong pumasok. Lumipat ako ng ibang school pero akoy bumalik sa dati kong school. Aaminin ko mahiyain talaga ako magmula ng elementary, kaya't hanggang sa ngayon ay dala-dala ko pa rin ang pagkamahiyain ko pero kahit bago na ang mga subjects, ibang mukha ng mga teachers at ibang mukha ng mga studyante na aking makakasalamuha, hindi na ako nahirapan mag-adjust dahil karamihan sa aking mga kaklase at kaibigan ay dito rin pniling mag-aral. Ngunit a kala ko ma dali lang anh lahat mas dumami ang projects, assignment at nakakaloka kong karanasan sa thesis, ang nakakasakit sa ulong assignment sa math na laging hinahanap ang value ng X. Ang sunod-sunod na dance performance sa P.E at kapag dumating ng examination Hindi maalis ang patagong gayahan, yung tipong lalabas ang proctor kanya kanya ang galawan at kapag biglang pumasok ang proctor yung feeling na ang tahimik at para walang nangyari. Tas ito pa girls period ginawa kang P/A ka ng kaklase mo dahil ikaw yung taga bili ng napkin dahil sa inabutan ng dalaw.
Ang Senior High School ay isa rin sa pinaka magandang parteng aking buhay, dito nahubog ang aking kakayahan, mas naging matured sa buhay, mas pinagbuti ko ang aking pag-aaral hindi sa pag mamayabang pero honor student ako galing ko no? Proud ako dahil itoy katas ng aking pag hihirap
Sa kabilang banda naman, aaminin ko na hindi alam ng aking magulang na may boyfriend ako , yung tipong 3 years na akong nag sisinungaling sa parents ko hahahaha.. Hindi sa masaya ako na nag sisinungaling ako pero, pareho naming alam ang limitasyon namin akalain mo pareho namin nami-maintain ang grades namin, yung pareho kaming honor studens, diba?? Nakakaproud, subrang ganda sa feelings n. Alam namin na ang second priority ang relationship namin at first priority ang pag-aaral upang matulungan ang aming magulang
Sa nalalapit na pag tatapos ko sa Senior High School, malungkot isipin na mag tatapos din ang kabanatang ito. Parang kailangan lang nagsimula pa lang kami tas ngayon ay malapit na mag tapos, mami-miss ko ang aking mga kaibigan ba naging parte na ng buhay ko, ang mga sermon ng mga guro para saking kabutihan, ang laging nagpapasakit tiyan ko sa subrang kaba ang oral recitation, anhpagpunta sa canteen kapag recess at kahit hindi pa recess, ang mha assignment at projects, paghintay ng matagal dahil sa .ahabang linya sa CR. ang malate sa flag ceremony pero hindi kinakabahan, ang malagyan ng floor wax ang puting uniform o kaya ang puti kong sapatos dahil sa aking angking kasipagan mag linis hahaha... Haha.. Hah. Magkahalong lungkot at saya ang mararamdaman ko kapag humantong na ang araw ng pagtatapos , malulungkot dahil mami-miss ko ang mga karanasan ito at kailangan ay hindi ko ito makakalimutan at masaya ako dahil may masaya akong babauning karanasan at mga bagong kabanata nanaman ang aking haharapin para sapag tupad mg aking mga pangarap๐๐ช๐ผ๐
![]() |
Finally I'm done๐๐ |
No comments:
Post a Comment