"Para Sa Aking Mga Kasamahan"
Sa mga naging parti ng buhay ko bilang estudyante, ang aking mga kaklase, kabarkada ang mga pinaka itinuturing sa kasamahan ko sa paaralan, sila ang isa sa nagpasaya ng buhay ko bilang estudyante.
Sa aking mga kaibigan at mga kaklase sa elementarya at hiayskul, ilang taon na ang nagdaan ng tayo'y naghiwa-hiwalay, siguro yung iba naman sa inyo naalala pa ko, sana naman oo, pero kung hindi na haha ako yung dugyutin nyong kaklase pero wag kayo, ako lang naman yung laging ine-elect bilang secretary sa Supreme Pulis Government (SPG) at sa clasroom natin, yan tuloy palahi nyo akong nakikita sa harap ng blackboard para magsulat, nakakasawa ng ngang rumampa sa harap ng board natin para magsulat eh, at kapag nagkamai ako sa sinusulat ko sa board galitna galit kayo saakin, eh kesyo sinasabi nyo saakin na sayang yung page ng notebook nyo, yung nakakapagod na magsulat at nabawasan ng tinta ng ballpen nyo , at ako rib yung kaklase nyong pinagpapawisan ang paa at kamay,, oh!? Naalala nyo na ba ako? Ni ayaw nyo ngang mahawakan ang kamay ko kasi nga pinapawisan. Naaalala nyo paba nung naglalaro tayo ng "chinesse garter", naglalaro ng "bakya", at "tagu-taguan" sa school natin, subrang saya n mga araw na iyon kay sarap balikan hayss sana naalala nyo pa ako, at yung mga high school friends at classmate ko jan sana naman matapos sa junior high, nakakamiss na din yung mga tawanan natin. Sa mga kaklase at kaibigan ko nganyong senior high, hinding hindi ko makakalimutan ang mga karanasan na nakasama ko kayo sa aking pag aaral.
Sa aking mga kaibigan, lalo na ang "USMAKERS" Hahahaha.. Alam kung tayo ang pasimuno ng malalaswang topic hahaha... Di joke lang, pero sa totoo lang marami na tayong pinagsamahan, ang mga kasama ko sa kalokohan, kasama sa malalakas na tawanan at kapag nagkakagipitan sa isang sitwasyon ay magtuturuan kung sino ang may pasimuno. Yung kapag nilabas na ang gusto ng lahat na si JOHNSON'S BABY POWDER ay nag aagawan, ang bagong biling pabangong na kunti nalang ang matitira, at kapag inilabas na ang pagkain ng isa ay umasa kang pagkain na yan ng lahat, ang pinagpasa-pasahanh suklay ng kaibigan mo at kapag naka-abot na sayo hindi mo na makikilala dahil kulay itim na iniwan ng kanya kanyang ulong gumamit hahaha, at kapag minsan naman ang aagot ng isa ay syang sagot na din ng lahat, at kanya-kanyang paraan para di-mahalatang nag-gayahan hahaha ganyan talaga pag buhay sa senior high hindi ka makisama ikaw ang kawawa.
Sa aking buong kaklase alam kong pagminsan ay hindi tayo nagkakaintindihan, hindi rin naging madali ang naging samahan natin sa loob ng paaralan, yung tipong nagsisilabasan na yung mga totoo nating ugali, yung tipong kahit may nagre-report sa harap ng blackboard, yung iba ay nagkukwentuhan, may nagtatawanan at yung iba naman nay may ibang pinagkaka-abalahan, yung tipong lahat naman tayo may mali pero nagsisisihan tayo. Yung tipong normal na'to sa atin bilang magkaka-klase, at kahit umabot tayo sa mga puntong ito. Nag papasalamat parin ako dahil naging parte kayo ng aking buha, may mga nagpapasalamat ako sa mga kaklase kong nakasagutan o naka-away ko rin, alam nyo nang dahil sa inyo tinuruan nyo akong magpatawad at tumanggap ng pagkakamali, na hindi sa lahat ng oras ay tama ako at humihingi rin ako ng tawad sa mga kaibigan ko at kaklase kong napagbuhatan ko ng galit kapag ako'y badtrip... Sorry ha... Alam nyo naman ang ugali ko diba? Alam ko naman na pagminsan lumalabas ang pagkamaldita ko, sorry sa mga napagsalitaan ko nga masasama, sana bati-bati na tayo... Sana peace and love not war hahaha
Malapit na tayong magtapos sa SHS, mami-miss ko kayng lahat, sana paghihi-walay natin lahat magkaroon tayo ng magandang oportunidad at panibagong lakas para harapin ang ating sari-sariling kabanata sa buhay, at sa ating muling pagkikita ay may kanya-kanya na tayo matagumpay sa ating buhay💪🏼😇
![]() |
Kaklase at kaibigan bilang pamilya💖💪🏼 Photo not owned |
No comments:
Post a Comment